Ang Sabi ko

Sabi ko or marahil sabi din ng karamihin e kilala nila ang sarili nila. Pero bakit kapag tinatanong ko na ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin e hindi ko kayang sagutin. Hindi ko alam kong sobrang dami ko lang bang gustong gawin or iniisip ko kasi na dapat isa lang ang sagot sa tanong na iyan o di kayang hindi ko talaga alam ang gusto kong gawin.

Nakapag sulat na naman akong muli dahil pakiramdam ko ay nagagamot ang kung ano mang alalahanin ko kapag naisusulat ko ang bawat pahayag ng nagsusumigaw kong pag iisip.

Halos mag dadalawang taon ko na sigurong itinatanong sa sarili ko ang dalawang tanong na ito, ano nga ba ang gusto kong gawin? at saan nga ba ako magaling? Ang totoo nyan nakapaglista na ako ng sagot sa mga ito ngunit kung aking pagninilayang maiigi ay wala pa ring tama sa nailista ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang angulo ng mali na sobrang nagiging tama na sa pagiging mali. Kulang lang ba ako ng tiwala sa tama kaya nangingibabaw ang mali o kulang mismo ako sa tiwala sa sarili kong sinabi kaya nangingibabaw ang mali? Tapos babalik ako sa tanong na, kilala ko nga ba ang sarili ko talaga? Kasi kung kilala ko bakit nagdududa ako sa sarili kong salita? Gaano ko nga ba kakilala ang sarili ko? Hindi ko mabigyan ng tamang kompirmasyon ang sarili kung kaya ganito na lang ako naguguluhan sa isasagot at magiging sagot para sa tanong na “Ano nga ba ang gusto kong gawin?” Naisip ko rin itanong sa mga kakilala ko kung sa tingin nila saan ba ako magaling pero hindi rin nila mabibigyan ito ng tamang sagot dahil dapat ay mas alam ko yun.

Sa huli ay ako pa rin ang magbibigay ng pasya sa lahat ng ito. Ayun nga lang, mahirap din pala. Mahirap bigyan ng sagot lalo nat nakulong na ako sa paraan ng pag iisip na malayo na sa kung paano ako nag iisip nong bata pa ako. Na hindi ko na din maalala kung paano nga ba dati. Siguro e mas simple lang at hindi komplikado.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s