Baler, Aurora 2017

This place is pretty far and dangerously beautiful.

Our destination is! Dinadiawan or how locals pronounce it as Dina-dyawan.

 

At dahil malayo nga at unang beses ko pa lang makakapnta dito kaya kailangan kong planuhing maigi ang lahat. Nagbayad na ako ng reservation fee a month bago pa yung mismong check in date kasi madalas ubos na sa malalapit na araw. Bumili na din ako ng ticket sa joy bus mga tatlong araw bago kami umalis para din sigurado na may  reserve seat na kami. Marami na rin akong naitanong sa resort bago pa man kami nag decide na magpareserve.


At ito na nga ready na ang mga bag namin sa likod. Buti nalang ang nabili kong ticket na alis ng bus ay 1am(semi-deluxe) kasi may 12:30am(deluxe) pa na pinaka maagang alis. Sa sobrang pagpaplano ko nakalimutan ko pa na 12am pala ang out ko sa office ng araw na to. Kaya ayan pinag intay ko si besh sa office para sabay na kami umalis papunta sa bus terminal. Konti lang diperensya ng pamasahe pero nong tinanong ko sa ticketing ano kinaiba hindi nila maexplain so semi-deluxe in short ang nabili ko na tama lang naman na oras para hindi malate sa byahe.


Documentation: Nasa bus na kami paalis mga around 1:15am. Take note: May pa tubig, pa hansel at pa blanket ang bus. ✔️


Picture ulit para sa tamang dokumentasyon at dahil tapos na din kaming mamalengke sa pamilihang bayan ng baler. Mga 6:30am na kami nakadating ng baler terminal kaya akala ko wala ng bus na maabutan pero meron pa pala. Hindi naman isang bus lang ang bumabyahe kagaya ng nabasa ko bago umalis kasi sakto pagdating namin sa sakayan na lagpas lang ng palengke e kakaalis lang daw ng bus na Casiguran. Pero may bus pa na bagong dating mga after 5mins. lang na nakaupo na kami sa van – Casiguran din ang byahe so lipat kami kaya ayan nagpicture kami.😂 Hindi ko na ipapaliwanag bakit dalawa nalang kami para masaya lang. 😆🙌 Isa sa mga hindi ko nabasa yung tungkol sa landslide don ng Nov.11 lang. Siguro news blockout sila don para di maapektuhan ang ekonomiya. Nakakatakot yung bakas ng landslide na dinaanan namin. Ayan sinisingil na tayo ng kalikasan sa ginawa nating daan paakyat ng bundok. DPWH ang kasalukuyang nagaayus ng malawakang sira. Wala namang bumabyahe nong nangyari ang landslide kaya ligtas naman ang mga tao.(reporting live)✌🏼


Mabilisang kuha ko habang nasa kahabaan ng Casiguran road.

Nasa tabi lang ng hi-way yung resort kaya madaling makita. Natuwa din ako sa naging gamit ng maps.me sa byahe. Finally! andito na kami sa receiving area nila (cuteness).

Ok lang sa kanila magpapasok kahit mas maaga pa sa check in time na nasa reservation basta andon na at bakante naman na ang room. Ayun wala na kaming ibang ginawa kundi mag relax sa bawat duyan at glamping kubo area na para sa lahat. Magluto…kumain..kape-kape…. chikahan sa buhay-buhay after high school days….lakad-lakad sa buhanginan…awra-awra ng picture.

Sulit kahit overnight stay lang pero mas gusto ko pa sana magtagal kung wala lang akong pasok kinabukasan.

Isa sa mga dapat alalahanin para sa mga susunod pang byahe;

  • Magtingin ng ulat panahon bago,kasalukuyan at araw ng pag alis.
  • Kasalukuyang balita tungkol sa lugar.
  • Magpareserve na ng byahe paalis at pabalik ng manila lalo na kung malaking grupo kayo para iwas stranded kasi limited lang ang byahe sa layo.
  • Magtanong sa kung ano ang free gamitin at hindi para iwas sa di kanais nais na bayarin.
  • Higit sa lahat!Para sa malayong byahe magdala lagi ng sobra sa extra para hindi maiwan sa lugar at mamalimos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s